Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura sa mga petisyong kumukwestyon sa pag-aresto at pagdala sa International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, hindi naghayag ang Korte Suprema na anomang paglabag ng administrasyon sa karapatang pantao ninoman.
Ayon kay Castro, tumupad lamang ang administrasyon sa isinasaad sa Republic Act No. 9851 nang walang anomang pang-aabuso sa kapangyarihan.
“Ginagalang ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. ang naging decision ng Supreme Court. Hindi nagpahayag ang Korte Suprema na anumang paglabag ng administrasyon sa karapatang pantao ninuman.” — Castro.
Isinaalang-alang din aniya ng pamahalaan ang una nang pahayag ng Korte Suprema na ang ICC ay mayroong hurisdikyon sa mga sakop na criminal acts na ginawa bago mag-withdraw ng membership nito sa Rome Statute noong March 17, 2019.
“Ang administrasyon ay tumupad lang din sa isinasaad sa RA 9851 ng walang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan. Isinalang-alang din ang administrasyon ang dati ng nasabi ng Korte Suprema na ang ICC ay may hurisdikyon sa mga sakop na criminal acts na ginawa bago mag withdraw ng membership nito noong March 17, 2019.” — Castro.