Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., iniulat ang 6.17 million beneficiaries na nakabenepisyo na sa Philippine Multisectoral Nutrition Project
Ibinalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pumalo na sa 6.17 milyong mga benepisyaryo ang bilang ng mga nakinabang sa Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP.
Ang PMNP ay programa ng pamahalaan na naglalayong labanan ang malnutrisyon, partikular ang pagkabansot o stunting sa mga batang Pilipino.
Ang nasabing bilang ng mga beneficiaries ay mula sa 235 participating municipalities na naabot ng PMNP as of September 30, 2026.
Kabilang dito ang 549,000 batang wala pang limang taong gulang na nasubaybayan at nabigyan ng serbisyo.
Samantala, naitala rin sa 134 na municipalities ang malaking pagbaba sa kaso ng stunting matapos ang dalawang taong pagpapatupad ng programa.
