Bumuo na ng draft ang Department of Energy (DOE) ng ordinansa na maaaring sundin ng mga lokal na pamahalaan para maging mas madali ang requirements sa pag-iinstall ng solar panel sa nga kabahayan.
Sa isang press conference ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, layon ng draft na maging iisa na lang ang ordinansa ng mga LGU para sa hinihinging requirements sa pag-iinstall ng solar. Sa ngayon kasi iba-iba ang proseso at mayroon din ilang LGU na medyo marami ang hinihinging mga dokumento.
Giit ni Garin, nais nilang ipaunawa sa mga LGU na ang pag-install ng solar panel ay hindi kaparehas ng pagpapagawa ng bahay.
Kahit naman posibleng maging mas madali ang requirements sa draft ordinance, iba pa rin ang hihinging mga dokumento para sa mga bahay na nais pumasok sa net-metering o ang magbebenta ng sobrang kuryente na makukuha mula sa solar power energy.