Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Alagang Pinas Summit sa Clark Freeport Zone, Pampanga, kung saan ay binibigyang-diin ang halaga ng pagtugon sa malnutrisyon lalo na sa hanay ng mga bata.
Dito ay inalam ng Pangulo ang accomplishments ng mga kalahok na rehiyon na may kaugnayan sa kanilang ginagawang pagsisikap na maipatupad ang mga hakbang para labanan ang malnutrisyon.
Sa talumpati ng Pangulo ay binigyang-diin nito ang pangangailangang mabigyan ng tamang nutrisyon ang bawat batang Pilipino na mahalaga sa kanilang physical development, kakayahang matuto at pagkakaroon ng magandang bukas.
Pinunto ng Pangulo na mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang taon ng batang naisilang ay mahalagang matiyak na may access sa essential services kabilang na ang mabigyan ito ng tamang nutrisyon.
Pagtiyak ng Pangulo, magiging tuloy-tuloy ang pagtutok ng gobyerno para mabigyan ng proper nutrition ang mga bata.
