Nakatanggap ng international attention ang Pilipinas sa paggamit nito ng modern technology para sa pagpapaigting nito ng border security, at upang matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga papasok at lalabas ng bansa.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ibinida ng Pilipinas ang Advance Passenger Information System (APIS) nito, bilang best practice sa linya ng passenger screening, sa isang international meeting sa United Arab Emirates.
“Ipinakita ng Pilipinas sa Global Working Meeting on API, PNR Data, and Passenger Information Units sa Abu Dhabi kung paano nagagamit ang Advance Passenger Information System o APIS bilang best practice sa pagpapaigting ng passenger screening sa mga paliparan,” — Castro.
Ang inisyatibang ito, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang public services sa pamamagitan ng paggamit ng modern technology.
Ayon kay Castro, sa pamamagitan ng Philippine system na ito, ang immigration authorities, mas maagang natatanggap ang passenger information, at mas maaga ring naco-cross-check sa international watchlists, sa pamamagitan ng data base ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).
Sa tulong ng hakbang na ito, mas mabilis na matutukoy kung mayroong potential security threat ang isang pasahero, bago pa man ito dumating sa paliparan.
“Developed using the United Nations’ goTravel software with support from the Australian government, the APIS is now being used by 51 airlines, covering 99 percent of flight operations nationwide.” — PCO.