Photo courtesy of Australian Prime Minister Anthony Albanese / Facebook
Lumagda ang Australia at Solomon Islands sa kasunduang panseguridad na nagtatakda sa Canberra bilang pangunahing katuwang ng rehiyon sa kanilang kooperasyon at depensa.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ang Australia ng mas malaking papel sa pagsasanay at pagpapalakas ng puwersa ng pulisya at pagbabantay sa mga hangganan ng Solomon Islands.
Kailangan ding kumonsulta ng pamahalaan ng Honiara sa Canberra hinggil sa mahahalagang proyektong pang-imprastruktura.
Ayon kay Australian Prime Minister Anthony Albanese, seryosong pananagutan ng Australia ang pagiging pangunahing katuwang sa seguridad ng bansang Pasipiko.
Samantala, sinabi ni Solomon Islands Prime minister Matthew Wale na tapos na ang panahong nagdulot ng kawalan ng katiyakan ng kanilang bansa sa rehiyon.
Itinuturing din ang kasunduan bilang malaking tagumpay ng Australia at hadlang naman sa lumalawak na impluwensiya ng China sa Pacific Region.