Humarap na ngayong umaga ang mga bagong opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa pulong-balitaan na ipinatawag ni Transportation Sec. Vince Dizon.
Kabilang sa mga ipinakilala ang bagong USec. Marcus Lacanilao bilang pinuno ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Sa pulong-balitaan ng DOTr sa tanggapan nito sa San Juan City, humarap din ang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO) na si Noreen Bernadette San Luis-Lutey at ang bagong General Manager ng Philippine National Railways na si Jorjette Barrenechea Aquino.
Bago ito, pinangunahan ni Dizon ang panunumpa sa mga bagong opisyal na layuning ipagpatuloy ang mga simulain sa reporma sa kagawaran.
Samantala, nagpasalamat si Lutey sa grupong MANIBELA dahil sa masugid nitong pagbabantay sa LTO.