Pormal na sinalubong ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang bago nitong administrador na si Undersecretary Markus V. Lacanilao.
Si Lacanilao ang mangunguna ngayon sa ahensyang nangangasiwa sa pagpapaunlad at regulasyon ng industriya ng transportasyong pandagat sa bansa.
Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng MARINA ang pagsusulong ng kaligtasan sa paglalayag, modernisasyon ng industriya ng pagbabarko at pagpapatupad ng mga pamantayan para sa mga Pilipinong marino.
Umaasa ang MARINA na sa ilalim ng pamumuno ni Lacanilao ay higit pang mapauunlad ang sektor ng maritima at mapapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.