Binigyang-diin ni Manila Representative Joel Chua na patuloy ang Kongreso sa pagpapasa ng mga panukalang batas na magpapabuti sa kabuhayan ng mga Pilipino, kasabay ng nalalapit na pagtatapos ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Chua, na miyembro rin ng House impeachment prosecution panel, mahalagang maipagpatuloy ang trabaho sa lehislatura at matutukan na ng bansa ang ekonomiya sa kabila ng pagkakahati-hati ng opinyon ng publiko dahil sa paglilitis.
Inihayag ng mambabatas na naipasa na ng Kamara ang bersyon nito ng panukalang ₱7.2 trillion pambansang pondo para sa taong 2027, na naglalaman ng alokasyon para sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong publiko, habang patuloy naman itong tinatalakay sa Senado bago ang year-end deadline.
Umaasa si Chua na malapit nang matapos ang pagdinig sa impeachment upang maibalik ang atensyon ng publiko sa kalagayan ng ekonomiya at sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.
Sa kabila ng kanilang pagtutok sa paglilitis, tiniyak ni Chua na tuloy-tuloy lamang ang kanilang trabaho ng Kongreso.