Malaking tulong sa pagsulong at pagpapalawak sa mga produkto ng Pilipinas ang Philippines-Chile Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA).
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque, inihayag nito na malaking bawas sa taripa at maaaring maibaba pa sa zero ang tariff sa mga produktong galing sa Pilipinas ang nakapaloob sa ilalim ng Philippines-Chile CEPA.
Ayon kay Secretary Roque, kabilang sa mga produktong ito ay semi-conductors, minerals, automotive parts, electronics at marami pang iba na siyang malaking oportunidad para sa manufacturing at exports revenue ng bansa.
Dagdag pa ng DTI Chief na 82% ng exports ng Pilipinas ay napupunta sa mga bansang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Matatandaang napirmahan ang Philippine-Chile CEPA sa naging pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa APEC Leaders Meeting sa China nitong November 18, 2026.
Panoorin ang bahagi ng panayam sa link na ito: https://www.facebook.com/share/v/1Jmgs2pevA/