Nagkaisa ang National Irrigation
Administration (NIA), Department of Agriculture (DA), at Department of Labor and Employment (DOLE), upang paghandaan ang posibleng epekto ng very strong El Niño sa Central Luzon.
Sa pulong na ginanap sa Bulacan, tinalakay ng tatlong ahensiya ang mga hakbang upang maprotektahan ang agrikultura, suplay ng tubig, at kabuhayan ng mga mamamayan.
Layon nitong palakasin ang koordinasyon ng mga ahensiya sa paghahanda at pagtugon sa tagtuyot.
Sinuri rin ang mga kasalukuyang programa at tinukoy ang mga agarang hakbang na kailangang ipatupad.
Kabilang sa mga binibigyang-prayoridad ang pagtiyak sa sapat na suplay ng tubig para sa irigasyon at pagpapanatili ng produksiyon ng pagkain.
Sa pamamagitan nito, layon ng pamahalaan na maibsan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka at komunidad sa Central Luzon.