Hihilingin ni Cebu Governor Pamela Baricuatro sa Malacañang na ibalik ang ₱100 milyong pondo na hindi nagamit at dating inilaan para tulungan ang mga magsasaka na naapektuhan ng El Niño noong 2024.
Ayon sa opisyal, makikipag-usap siya kay Executive Secretary Ralph Recto sa December 9 para pag-usapan ang pagbabalik ng pondo para matulungan ang hog raisers.
Aniya, hiniling ng Office of the President sa Cebu Provincial Government na ibalik ang pondo na hindi nagamit ng dating administrasyon.
Giit ng gobernador, ipinanukala ng dating administrasyon ang pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng QR-based system subalit ni-require ng Malacañang na ilabas ang pondo bilang direct financial assistance.