Umaasa ang House prosecution na malapit nang matapos ang paglalahad ng depensa upang maihatid na sa pinal na desisyon ang impeachment trial ni VP Sara Duterte.
Ito ang pahayag ni Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon kasunod ng pahayag ng bise presidente na handa siyang tanggapin nang mapayapa ang magiging hatol ng Senate Impeachment Court, conviction man o acquittal.
Ayon kay Ridon, kumpleto na ang paglalahad ng prosecution panel ng kanilang mga ebidensya na may kaugnayan sa umano’y 817.87 milyong pisong hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Umaasa rin ang kongresista na makukumpleto na ng depensa ang kanilang presentasyon ng mga testigo sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Disyembre a-uno.
Paalala naman ni Ridon na nasa mga senator-judges ang pinal na desisyon, habang ang taumbayan naman ang huhusga sa naging takbo ng impeachment proceedings.