Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang imbestigasyon sa mga fish cage na umano’y nasa labas ng itinakdang mariculture zone sa Sual, Pangasinan.
Makikipag-ugnayan ang Department of Agriculture sa Department of the Interior and Local Government upang siyasatin ang posibleng iregularidad at kapabayaan ng mga lokal na opisyal.
Batay sa BFAR Region 1, nasa 132 fish cage units ang natukoy na nasa labas ng awtorisadong lugar at iniuugnay sa dalawang korporasyon.
Inatasan na ang mga operator na alisin ang 33 fish cage at ilipat ang 99 pa bago ang Nobyembre 30.
Layunin ng hakbang na maprotektahan ang pangisdaan at kabuhayan ng maliliit na mangingisda.