Photo courtesy of Senate of the Philippines
Pinuri ni House private prosecutor Atty. Lorna Patajo-Kapunan ang paraan ng pangangasiwa ni Senate President Pro Tempore Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Kapunan, kapansin-pansin ang kaalaman ni Escudero sa batas at mga dokumento, gayundin ang kakayahan nitong pamahalaan ang mga senador-hukom at panatilihing maayos ang pagdinig.
Itinuturing din niyang “blessing in disguise” ang pagpayag ni Senate President Sherwin Gatchalian na ipaubaya kay Escudero ang pangunguna sa paglilitis dahil isa itong abogado na may karanasan sa litigation.
Dagdag pa ni Kapunan, nakabatay sa batas at jurisprudence ang mga inilalabas na desisyon ni Escudero sa mga usaping kinakaharap ng impeachment court.
Bagama’t kinilala rin niya ang kakayahan ni Gatchalian, sinabi ni Kapunan na mahalaga ang pagkakaroon ng presiding officer na may pormal na legal training at karanasan sa paglilitis.