May mga salik na maaaring makatulong upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa kabila ng inaasahang inflation sa buwan ng Nobyembre na nasa 7.2 hanggang 8.2%, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Sa pagtataya ng BSP, maaaring magdulot ng dagdag-presyon sa presyo ang pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng LPG.
Gayunman, inaasahang makatutulong ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo at ang maayos na suplay ng mga pangunahing agricultural commodities gaya ng bigas, gulay, karne at isda upang mapagaan ang pagtaas ng inflation.
Patuloy namang sinusubaybayan ng BSP ang galaw ng presyo at mga prospect sa ekonomiya, kabilang ang posibleng epekto ng mga kaganapan sa Middle East, upang maging gabay sa mga susunod na hakbang sa monetary policy.
Noong Oktubre, umabot sa 7.8% ang inflation rate ng bansa.