Photo courtesy of Representative Timothy Joseph “Tim” Cayton
Inihain sa Kamara ni Nueva Vizcaya Lone District Representative Timothy Joseph “Tim” Cayton ang House Bill No. 9809, o ang “Local Government Employees Hazard Pay Act of 2026.”
Layunin ng panukalang batas na matiyak na ang lahat ng kwalipikadong empleyado ng local government units (LGU) na nahaharap sa panganib habang ginagampanan ang kanilang tungkulin ay makatatanggap ng nararapat na hazard pay.
Ayon kay Cayton, maraming kawani ng LGU ang araw-araw na sumasabak sa mga mapanganib na sitwasyon—gaya ng disaster response, sanitation, engineering works, environmental hazards, law enforcement, at paghawak ng mga kemikal—ngunit marami pa rin sa kanila ang hindi nabibigyan ng sapat na karagdagang kompensasyon.
Sa ilalim ng HB 9809, ibabase ang pagbibigay ng hazard pay sa aktuwal na panganib ng trabaho at hindi sa employment status.
Ibig sabihin sakop nito ang mga permanent, casual, temporary, contractual, job order (JO), at contract of service (COS) employees, basta’t ang kanilang tungkulin ay may kaakibat na occupational hazards.
Layon din ng panukalang batas na magtatag ng National Occupational Hazard Classification Frameworkupang magkaroon ng iisang pamantayan sa pagtukoy ng mga kwalipikadong empleyado sa lahat ng LGU sa bansa.
Ayon kay Cayton, panahon na upang gawing patas ang pagkilala sa mga kawani ng pamahalaang lokal na patuloy na nagsisilbi sa kabila ng panganib na kaakibat ng kanilang trabaho.