Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development ng mga volunteer na tutulong sa pagre-repack ng family food packs para matiyak ang sapat na supply ng relief goods para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Bukas ang Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City at Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue City, Cebu, mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Ayon kay Director Jun Eso, officer-in-charge ng National Resource and Logistics Management Bureau ng DSWD, kailangan ng mga volunteer na maglaan ng hindi bababa sa apat na oras para sa repacking.
Hinihikayat din ang pre-registration, bagama’t tinatanggap ang walk-in volunteers.
Labing-walong taong gulang pataas ang maaaring mag-volunteer, habang kailangan ng guardian ang mga menor de edad. Layunin ng DSWD na mapanatili ang stock na limang milyong family food packs para sa mabilis na paghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng sakuna.