Naglabas ng ilang gabay sa publiko ang Department of Health para sa tamang pag iimbak ng tubig ngayong may El Niño.
Ayon sa DOH, may mga paraan sa tama at ligtas na paggamit ng stored water.
Una na rito, maaring gamitin ang mga naipong tubig ulan sa pag dilig ng halaman, panglinis sa bahay at pangbuhos sa banyo.
Gayunman, sa pag-iipon ng tubig dapat tiyaking natatakpan ng maayos ang mga lagayan upang hindi pamahayaan ng lamok na posibleng may dalang dengue.
Para naman sa malinis at ligtas na tubig, pakuluin ng hanggang 3 minuto ang tubig mula sa gripo at palamigin bago isalin sa lagayan.
Maaari ring gumamit ng pag-chlorine ng inumin na may damang dosages depende sa dami ng tubig.
Ayon sa DOH, sa panahon ng tagtuyot, mahalagang tiyakin na malinis at ligtas ang tubig na ating ginagamit sa pang-araw-araw.