Umabot na sa mahigit P831 milyon ang naipamahaging insurance payout ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, inilahad ni PCIC Vice President Melba Manalo na naitala ang nasabing halaga nitong Oktubre 2026. Kasunod nito, ayon sa datos mula sa Department of Agriculture, lumagpas na sa P10 bilyon ang pinsala ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.
Ang pinakamalaking bahagi ng pondo ay napunta sa mga magsasaka ng mais sa Region 2 (Cagayan Valley) na nakatanggap ng mahigit P522 milyon. Samantala, patuloy namang pinoproseso ng PCIC ang dumaraming claims sa Region 3 (Central Luzon).
Inaasahan ng ahensya na tataas pa ang halaga ng mga claim at pinsala sa palay, mais, at high-value livestock habang nagpapatuloy ang epekto ng El Niño.
Panoorin ang bahagi ng panayam sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/3460285520809602