Nagdulot ng matinding trahedya ang isang aksidente sa Egypt matapos masawi ang mahigit 30 indibidwal at masugatan ang higit 20 iba pa sa sunog na sumiklab kasunod nang pagtaob ng isang sasakyan sa isang pangunahing lansangan.
Ayon sa ulat ng Reuters, nangyari ang insidente sa distrito ng Al-Warraq sa Giza, malapit sa kabisera na Cairo.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, tumagilid ang sasakyang may dalang produktong petrolyo dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy at madamay ang maraming sasakyang dumaraan sa lugar.
Kaagad namang rumesponde ang kanilang health ministry at napagdala ng dose-dosenang ambulansya upang tugunan ang sitwasyon at tulungan ang mga biktima.
Sinimulan na rin ng mga imbestigador ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga nasawi at pag-alam sa sanhi ng aksidente.
Patuloy namang sinusuri ng mga awtoridad ang mga pangyayari upang matukoy ang mga posibleng pananagutan.