Pinaiigting ng France at Germany ang pagsusulong ng kasunduan sa loob ng European Union (EU) bago matapos ang 2026 upang matiyak ang pagpapatuloy ng pondong nakalaan para sa Ukraine at iba pang mahahalagang programa ng samahan.
Nais ng dalawang bansa na maisara ang negosasyon sa susunod na pitong-taong budget ng EU na nagkakahalaga ng 1.582 trilyong euro para sa 2028 hanggang 2034.
Mahalaga ang agarang kasunduan dahil inaasahang magkakaroon ng halalan sa pitong kasaping bansa sa susunod na taon.
Anila, layunin nito na matiyak na hindi mababago ang mga pondo sakaling manalo sa halalan sa France si Marine Le Pen na nangakong
ititigil ang tulong-pinansyal sa Ukraine at babawasan ang kontribusyon ng France sa EU.
Gayunman, nananatiling hati ang mga kasaping bansa sa usapin ng budget at pautang sa Ukraine.
Inaasahang ihahain ni European Council President Antonio Costa ang panukala sa summit sa Disyembre 17 at 18.