Nakapaloob na sa panukalang plano at pambansang pondo para sa 2027 ang estratehikong paggastos ng pamahalaan upang higit pang pasiglahin ang ekonomiya ng bansa.
Kasabay nito, sinang-ayunan ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Undersecretary Rosemarie Edillon ang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque hinggil sa patuloy na pagtaas ng exports ng Pilipinas, partikular sa mga produkto tulad ng semi-conductor at electro at iba pa na kailangan para sa lumalaking denand ng Artificial Intelligence (AI).
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, binigyang-diin ni Usec. Edillon na maraming Pilipino ang mahusay sa Information Technology (IT) at engineering.
Aniya, nais ng pamahalaan na higit pang mapaigting ang kakayahang ito, at kumpiyansa siyang makikinabang ang bansa sa lumalaking pandaigdigang demand para sa AI.