Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng nasa 300 laptops para sa mga guro mula sa 22 pampublikong paaralan sa Iloilo. Panibagong paraan ito ng gobyerno upang matulungan ang mga guro sa paghahanda sa aralin ng mga estudyante.
“This is part of our broader efforts to improve the quality of education in our country. We are beginning to see progress from our efforts, as reflected, for instance, in the improved performance of our Filipino learners in the latest Programme for International Student Assessment.” — Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, ipinangako ng pangulo na sa taong 2028, bawat public school teacher ay mayroon nang sariling laptop na magagamit sa paghanda ng aralin at iba pang instructional materials, nang hindi humuhugot ng panggastos mula sa sarili nilang bulsa.
“To sustain this progress, we must ensure that our teachers have the best possible equipment and resources to improve the way they teach and, in turn, the way our students learn. You have always, our teachers have always gone the extra mile for our children. The least we can do is make your work a little lighter and for you to work even better.” — Pangulong Marcos.
Pakikinabangan ng mga guro ang productivity software at training na kalakip nito, para sa pagpapalakas pa sa education system ng bansa.
“Alam po namin na marami pang guro ang nag-aantay. Patuloy pa ang ating pamamahagi nito upang matugunan ang inyong mga pangangailangan. Tiniyak natin na dekalidad ang mga laptop na ito at sulit ang bawat pisong ginastos para dito.” — Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, ibinaba rin ng administasyon ang YAKAP at GAMOT programs, upang mailapit sa mga guro, mga magulang, estudyante, at iba pang DepEd personnel ang libreng medical consultation, mga gamot, at iba pang laboratory test na handog ng PhilHealth.
“Nais natin na bago pa man lumala ang karamdaman ay maagapan na kaagad ito. Kaya hinihikayat ko po lahat na magparehistro sa YAKAP at gamitin ninyo para makuha ninyo ang mga benepisyong nakalaan para sa inyo.” —Pangulong Marcos.
Ang mga programang ito ng pamahalaan, makatutulong na mabawasan ang gastusin ng mga guro, mapa-health-related man o teaching-related expenses.
“Through this initiative, you can avail of free medical consultations, selected laboratory tests, and it also covers some medicines. Patuloy nating pagbubutihin ang kalagayan ng ating mga paaralan upang ito’y maging lugar kung saan ang bawat isa ay ligtas, malusog, at malayang matuto.” — Pangulong Marcos.