Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang pagbubukas ng Mandarin Oriental Makati na itinuturing na pagpapakita ng mahalagang papel ng pamumuhunan ng pribadong sektor sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., magbibigay ng oportunidad sa trabaho ang pagbubukas ng hotel bukod pa sa inaasahang paglakas sa lokal na negosyo.
Pagbibigay-diin ng Pangulo, sa bawat nagbubukas na establisyimentong gaya ng hotel ay lumilikha ito ng pagkakataon para sa mga manggagawa.
Pagkakataon para sa hanapbuhay mula sa mga namamahala, front desk, maintenance habang makikinabang din aniya dito ang MSMES bukod pa sa inaasahang makakatulong din ito sa turismo ng bansa.
Dagdag ng Punong Ehekutibo, na ang ganitong pagbubukas ng negosyo ay itinuturing na pagpapahayag ng kumpiyansa sa ating bansa at sa kinabukasan ng turismo ng bansa.