Nakahanda ang Department of Migrant Workers (DMW) na maglaan ng chartered flights para sa mga Pilipino o Overseas Filipino Workers na stranded pa rin hanggang sa ngayon sa Saudi Arabia.
Sa isang panayam kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa NAIA, maraming OFW ang nakabili na ng plane tickets pauwi sa Pilipinas pero dahil kanselado ang ilang flights ng PAL at CebuPac at inaasahang sa susunod na taon pa ito magre-resume ay handang umalalay ang gobyerno.
Giit ni Cacdac, kung magkakaroon ng sapat na bilang tulad ng nasa 350 na OFW handang maglaan ng chartered flight ang gobyerno.
Pero kung hindi, tutulong din ang DMW na makabili ng panibagong ticket ang ahensya para sa mga may kanselado nang flight.
Alinsunod naman ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatulong sa mga Pilipinong naiipit ng krisis sa Saudi Arabia pero nais makauwi ngayong Pasko upang makasama ang kanilang pamilya.