Nagpaabot ng pasasalamat at pagbati si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa dalawang outgoing ambassador na nagtapos na ng kanilang tour of duty sa bansa.
Ito ay sina Slovenian Ambassador Dr. Smiljana Knez at Thai Ambassador Makawadee Sumitmor.
Matatandaang lalong tumibay ang ugnayan ng Pilipinas at Slovenia mula nang magbukas ang kanilang embahada sa Maynila noong 2024, kung saan aktibo ang dalawang bansa sa kooperasyon sa digital economy, teknolohiya, at labor recruitment para sa mga Filipino caregiver.
Samantala, mahigit 70 nang magkatuwang sa diplomasiya ang Pilipinas at Thailand bilang kapwa miyembro ng ASEAN, at nananatiling isa ang Thailand sa pangunahing trading partner ng bansa.
Sa pahayag ni Secretary Lazaro, kinilala niya ang matagumpay na panunungkulan ng dalawang opisyal sa Pilipinas at ang kanilang malaking ambag sa mas lalo pang pagpapatibay ng bilateral relations ng bansa sa Slovenia at Thailand.