Pag-aaralan ngayon ng pamahalaan kung maaring muling makapagde-deploy ng newly hired na mga Pilipinong hotel workers sa Israel matapos ang ilang buwan na deployment ban.
Sa isang panayam kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, matapos ang kanyang pagbisita sa Israel nakita niya na mapayapa na ang sitwasyon sa lugar.
Katunayan wala na rin sa ngayon na mga Pilipinong nagnanais na magpa-repatriate mula sa naturang bansa kaya posible na muli ang pagpasok ng newly hired.
Pero giit ni Cacdac na posibleng unahin muna ang hotel workers at magiging government-to-government deployment ito.
Kakausapin naman muna ng kalihim si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Theresa Lazaro at Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro tungkol dito pero posible aniya ito sa 2027 kasabay ng 70 taong anibersaryo ng bilateral relations ng Pilipinas at Israel.