Hindi tumitigil sa pagbabantay at monitoring ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa patuloy na eruptive activity ng Bulkang Mayon.
Sa panayam ng programang Boses kay PHIVOLCS Director, Dr. Teresito Bacolcol, tinututukan nila ngayon ang naitalang minor strombolian eruption ng Bulkang Mayon na nangyari nitong Martes.
Sa ngayon base sa 24-hr monitoring PHIVOLCS, nakapagtala ang Mayon ng 11 volcanic earthquakes habang pumalo naman ang sulfur dioxide emission sa 1,894 tons per day.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.
Bunsod ng relatively-high alert ng Mayon Volcano patuloy pa rin ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente na huwag pumasok sa 6 kilometer permanent danger zone.
Patuloy din ang isinasagawang monitoring ng PHIVOLCS sakaling lumala pa ang sitwasyon ng bulkang Mayon na kanila na ring pinaghahandaan.