Mabilis na nakalusot sa plenaryo ng senado ang panukalang budget ng office of the vice president (OVP) para sa susunod na taon.
Wala nang senador na nagtanong o nag-interpellate sa panukalang 783.24 million pesos na proposed budget ng OVP para sa 2027 kaya naman halos wala pang dalawang minuto ay ‘deemed submitted’ na ito.
Ayon kay senate majority leader Juan Miguel Zubiri, ito ay bilang kurtesiya sa OVP.
Matatandaang hindi nakadalo sa committee hearing sa senado at kamara ng OVP budget si VP sara at pinaalalahanan siya noon na dumalo na sana plenary deliberations.
Ang panukalang budgey ng OVP ay mas mababa kumpara sa budget ng opisina ngayong taon na 889.2 million pesos
Matapos makalusot sa plenaryo, sasailalim na ang OVP budget sa period of interpellation.
Matapos ang plenary deliberations, sinubukang kunin ang komento ni VP sara tungkol sa kanyang impeachment trial pero hindi ito sumagot o nagkomento. | ulat ni Nimfa Asuncion