Kabuuang 1,630 paaralan ang naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay, Neneng, at Obet.
Ito’y ayon sa Rapid Damage Assessment ng Department of Education.
Batay sa pinakahuling Situation Report ng DepEd, nasa 5,666 classrooms ang may minor damage, 2,029 ang may major damage, habang 2,034 classrooms ang totally damaged.
Tinatayang aabot sa Php 6.4 bilyon ang kabuuang pondong kailangan para sa clean-up, minor at major repairs, at reconstruction ng mga paaralang napinsala.
Samantala, 323 paaralan ang ginamit bilang evacuation centers, na nagsilbing pansamantalang kanlungan ng 10,257 pamilya.
Pinakamaraming paaralan ang ginamit bilang evacuation centers sa Region III, na may 188 paaralan, sinundan ng Region IV-A na may 57, at Region I na may 37.