Tumanggap ng pinansiyal na tulong at sleeping kits ang 62 returning Filipinos mula Sabah, Malaysia na nakauwi na ngayon sa Sulu, sa bilang na ito 11 ang naitalang menor de edad.
Ang agarang tulong na ay mula sa Department of Social Welfare and Development 9 at Ministry of Social Services and Development o MSSD Sulu.

Ayon kay Suraya Kuhutan, Provincial Operations Officer ng MSSD Sulu, dadaan muna ang mga returning Filipino sa profiling bago sila magtakda ng araw para sa payout sa oras na makatanggap na sila ng pondo mula sa regional office.
Sa ngayon, pamasahe muna ang natanggap nila sa halagang ₱3,000 mula DSWD IX.
Bukod dito, inasistihan din ng ahensya ang mga returning Filipinos na pauwi ng Tapul, Lugus at Siasi na umalis kaninang umaga.
Nagpasalamat din sila sa suporta ng Philippine Cross Sulu Chapter sa pangunguna ni Alnizar Mihadon, kasama rin ang IOM sa katauhan ni Ms. Pershia Pula.
Inaasahan na tuloy-tuloy ang pag-uwi ng mga returning Filipinos mula Malaysia na aniya sinasalubong at una rin inaasikaso ng DSWD IX sa Zamboanga City katuwang ang MSSD BARMM Satellite Office bago maihatid sa mga probinsiya na kanilang uuwian kabilang na ang Sulu.