Binuksan na sa mga motorista ang karagdagang lane sa gumuhong bahagi ng Marcos Highway sa Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet, noong Biyernes ng gabi, October 30.
Inaasahang mababawasan nito ang abala at oras ng biyahe ng mga motorista, komyuter, at turista, lalo na ngayong papalapit ang holiday season.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Banoy Lopez, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking matatapos ang mga proyektong ipinangako ni dating DPWH Secretary Vince Dizon, partikular ang mga matagal nang naantala.
Binigyang-diin ni Lopez na pananagutin niya ang mga regional director at district engineer na hindi tutupad sa kanilang mga pangako sa pagpapatapos ng mga proyekto, sa kabila ng pagpapalit ng liderato ng ahensya.