Magpapatuloy ang “LIBRENG SAKAY” ng Department of Transportation (DOTr) gayundin ng partner agencies nito ngayong Miyerkules, November 25.
Ito’y para alalayan ang mga maaapektuhang pasahero ngayong ikatlong araw ng transport strike ng grupong MANIBELA matapos palawigin ito ng grupo.
Alas-6 kaninang umaga umarangkada ang LIBRENG SAKAY na tatagal hanggang alas-9 mamayang gabi, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may masasakyan ang mga komyuter.
Saklaw ng LIBRENG SAKAY ang mga rutang Quiapo patungong Cubao, Quiapo patungong Doña Carmen, Commonwealth, Quiapo patungong Fairview, Taft (Buendia) patungong Alabang, at Commonwealth patungong Cubao (via East Avenue/V. Luna) at pabalik.
Katuwang ng DOTr sa paghahandog ng LIBRENG SAKAY ay ang ang Office of the President, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Gayundin ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), Department of Energy (DOE), at Philippine Army.