Pakikilusin ng Presidential Communications Office (PCO) ang media agencies ng pamahalaan at palalakasin ang pagtutulungan sa private news organizations at social media influencers para maihatid ang El Niño preparedness advisories sa mga komunidad, partikular sa malalayong lugar.
Ibinahagi ni Senador Erwin Tulfo sa deliberasyon ng Senado ang plano ng PCO na palawakin ang information network para maabot ang mas maraming Pilipino.
Napag-usapan ang plano makaraang tanungin ni Senador Robinhood Padilla, chair ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, ang mga paghahanda ng gobyerno sa posibleng epekto ng mas matinding El Niño.
Giit ni Tulfo, tutulong ang Presidential Broadcast Service (PBS), Philippine News Agency (PNA), Philippine Information Agency (PIA), at government television networks sa pagpapakalat ng preparedness guidelines at impormasyon tungkol sa assistance programs ng pamahalaan.