26 na lamang mula sa 800 deportees mula Malaysia ang nasa processing center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nakatakda ng makabalik sa Palawan.
Ito ang naging pahayag ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Asec. Dumalo, dinala ang 800 Filipino deportees mula Malaysia sa DSWD processing center sa Zamboanga upang mabigyan ng assessment ang kanilang kalagayan at mabigyan ng kaukulang tulong pinansyal at livelihood assistance ang mga ito upang matulungan makapag-reintegrate sa kani-kanilang mga patutunguhang komunidad.
Sa 800 daang deportees, 122 dito ay mga menor de edad na kinabibilangan ng 64 na batang lalake at 58 batang babae na nasa 12 taong gulang pababa.
Dumating sa Zamboanga ang mga nasabing deportees mula Malaysia nitong Oktubre 30, 2026.
Panoorin ang bahagi ng panayam sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/1639708294361803