Kinuwestiyon ni Senador Ping Lacson kung bakit hindi ganap na naibalik sa orihinal na halaga sa National Expenditure Program (NEP) ang pondo ng ilang foreign-assisted projects sa bersyon ng Senate Committee on Finance ng panukalang 2027 national budget.
Ayon kay Lacson, naibalik man sa kabuuang P459.16 billion ang alokasyon para sa mga naturang proyekto, binago naman ang paghahati ng pondo para sa loan proceeds, government counterpart funds at unprogrammed support.
Bilang halimbawa, binanggit ng senador ang Laguna Lakeshore Road Network na may orihinal na P35.209 billion alokasyon sa NEP.
Binawasan ito ng Kamara at ginawang P8.209 bilyon pero naibalik lang sa P22.209 billion lang ang naibalik sa bersyon ng Senado.
Paliwanag ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang halagang inilaan ay batay sa pondong kaya nilang gamitin para sa proyekto sa 2027.
Nagbabala naman si Lacson na nagbabayad ang pamahalaan ng commitment fees at penalties kapag hindi naipatutupad nang maayos ang mga proyektong pinondohan gamit ang foreign loans.
Ayon kay ni Ejercito, umabot sa 1.5 million dollars ang commitment fees na binayaran ng bansa noong 2024 at walong milyong dolyar naman noong 2025. Dahil dito, hinimok ni Lacson ang mga kapwa mambabatas na ibalik sa orihinal na antas sa NEP ang pondo ng mga proyekto para maiwasan ang dagdag bayarin at masuportahan ang mga pangmatagalang imprastraktura na makatutulong sa ekonomiya.