Hinikayat ni Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque ang mga may-ari ng negosyo at mga indibidwal na nais magsimula ng sarili nilang kumpanya na samantalahin ang iba’t ibang programa sa pagpapautang ng Small Business Corporation o SBCorp.
Sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya, itinakda ng SBCorp ang target na umabot sa 12 bilyong piso ang kanilang loan disbursement para sa taong 2026.
Binigyang-diin ni Secretary Roque na ang pamahalaan ay may mga inilatag na programa sa pampinansyal na tulong upang matiyak na ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs, pati na rin ang mga negosyong naapektuhan ng patuloy na krisis sa Gitnang Silangan, ay magkaroon ng sapat na pondo.
Layunin nitong matulungan silang mapalago ang kanilang mga operasyon at mapabuti ang antas ng kanilang kabuhayan.