Hinimok ng Department of Economy, Planning and Development ang Western Visayas na panatilihin ang matatag na produksyon sa agrikultura at tiyakin ang sapat, maaasahan at abot-kayang suplay ng kuryente upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng rehiyon.
Ayon kay DEPDev Undersecretary Carlos Abad Santos, mahalagang mapanatili ang mga pangunahing salik na sumusuporta sa ekonomiya ng Western Visayas upang hindi bumagal o bumalik sa dating antas ang pag-unlad nito.
Nakapagtala ang Western Visayas ng 6.4 percent na paglago ng ekonomiya noong 2025, pinakamataas sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Dahil dito, mahalagang mapanatili ang momentum ng paglago sa pamamagitan ng pagpapatatag sa mga pangunahing sektor na nagtutulak sa ekonomiya ng rehiyon.