Nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pinakahuling lagay ng panahon sa Pilipinas at sa epektong iniiwan nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro sa gitna ng mga pag-ulan at pagbaha na nararanasan sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Aniya, nakabantay ang pangulo sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng pag-ulan at pag-baha.
“Laging tutok ang Pangulo sa sitwasyon. Minomonitor ang kalagayan ng mga kababayan natin at ng mga bayan na apektado.” —Castro.
Una na rin aniyang inatasan ng pangulo ang mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno na siguruhin ang kaligtasan at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng sama ng panahon. “Iniutos at pinaalalahanan ang mga ahensya ng pamahalaan ng mabilis na pagtugon sa mga kailangan ng mga biktima ng matinding buhos ng ulan.” —Usec Castro.