Photo courtesy of MARINA
Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Port of Lucena sa Quezon bilang bahagi ng Oplan Byaheng Ayos: Undas 2026.
Ayon sa MARINA, nananatiling maayos ang operasyon sa pantalan matapos makapagtala ng kaunting pasahero at mga sasakyang isinasakay sa barko nitong Nobyembre 2.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy ang inspeksyon sa mga barko upang matiyak ang pagsunod sa maritime safety requirements.
Isinasagawa ang operasyon sa pangunguna ng MARINA Enforcement Service katuwang ang MARINA Regional Office IV – Lucena Extension Office.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Transportation Secretary Vince Dizon na tiyaking ligtas at maayos ang biyahe sa dagat ngayong Undas.