📷 Contributed
Nagsampa na ang Office of the Ombudsman ng 36 counts ng graft at malversation cases laban sa anim na opisyal at personnel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa isang road right-of-way scam sa General Santos City.
Kabilang sa mga kinasuhan sina dating DPWH Region 12 Regional Director Subair Saro Diron at dating Assistant Regional Director Laureano Suan Jr., kasama ang apat pang tauhan ng ahensya.
Ayon sa Ombudsman, nakitaan ang mga ito ng prima facie evidence na maaaring humantong sa conviction.
Kasama rin sa kaso ang pitong pribadong indibidwal, na umano’y sangkot sa ₱419 million road right of way scam partikular sa Digos-Makar National Road sa Lagao, General Santos City.
Inaasahan namang mamayang alas-2:00 ng hapon ay maira-raffle na rin sa Sandiganbayan ang mga kaso.