Photo courtesy of Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
Muling ipinatupad simula November 1 ang tatlong buwang closed fishing season sa piling karagatan sa hilagang-silangan ng Palawan upang maprotektahan ang galunggong.
Paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hanggang January 31, 2027, bawal ang paggamit ng purse seine, ring net, at bag net sa tinatayang 35,943 square kilometers na conservation area.
Ayon sa mga pag-aaral, panahon ito ng pagpaparami ng galunggong at nakitaan din ng senyales ng overfishing ang kanilang populasyon.
Batay sa datos ng BFAR, tumaas mula 58% noong 2015 tungong 85 % noong 2023 ang bahagi ng mga galunggong na nasa hustong gulang para magparami.
Layunin ng hakbang na maparami ang galunggong, mapanatili ang suplay nito, at maprotektahan ang kabuhayan ng mga mangingisda.