Photo courtesy of Civil Service Commission (CSC)
Binuksan na ngayong araw, November 2 ng Civil Service Commission (CSC) ang online registration para sa mga nais kumuha ng Civil Service Examination sa March 2027.
Magsisimula naman sa November 3 ang personal appearance sa mga tanggapan ng komisyon, ngunit para lamang ito sa mga aplikanteng nakakuha na ng online appointment.
Isasagawa ang pagsusulit sa March 14, 2027, para sa professional at subprofessional levels.
Sa abiso ng CSC, maaaring magparehistro sa pamamagitan ng mga application link na nakalaan sa bawat rehiyon.
Samantala, magpapatuloy ang aplikasyon hanggang mapuno ang lahat ng available slots o hanggang sa maglabas ng panibagong anunsiyo ang CSC.