Sa kabila ng mainit na panahon, tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga pamilyang dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora, Quezon City.
Ayon kay Engr. Michael Abiog, park operations manager, tinatayang 55,000 ang dumalaw sa naturang memorial park kahapon, November 1. Mas mababa ito kumpara sa bilang ng mga bisita noong mga nakaraang taon.
Paliwanag ni Abiog, mas maaga nang nagsimulang dumalaw ang mga pamilya sa sementeryo kaya hindi na nagsabay-sabay ang pagdating ng mga ito noong All Saints’ Day.
Ngayong November 2, hindi na rin inaasahan ang bugso ng mga bisita sa Himlayang Pilipino.
Samantala, naging epektibo naman ang one-way traffic scheme na ipinatupad sa loob ng sementeryo para maibsan ang pagsisikip ng trapiko ngayong Undas.