Sumampa na sa mahigit 300 million pesos ang naipahatid na humanitarian aid at augmentation support ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga apektado ng aktibidad ng bulkang Mayon.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, karamihan sa mga ito ay mga family food packs at non-food items na pangunahing kailangan ng mga evacuee dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Aktibo pa rin ang nasa labing-isang evacuation center sa Bicol Region kung saan nanunuluyan ang nasa mahigit limang-daang pamilya o katumbas ng aabot sa dalawang libong indibidwal.
Nasa mahigit limang-daang pamilya din ang maituturing na displaced at pansamantalang nanunuluyan sa tahanan ng kanilang mga kaanak o kaibigan bagay na patuloy pa ring mino-monitor ng DSWD upang maibigay ang kanilang mga pangangailangan.
Tiniyak din ng DSWD katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa Bicol region ang pagkakaroon ng fully functional na water at sanitation facility sa mga evacuation center.
Naka-deploy din ayon kay Dumlao ang quick response team ng DSWD sa field office 5 ng ahensiya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng evacuee.