Magpupulong sa Pilipinas ang mga lider ng Australia, India, Japan, at Estados Unidos sa gagawing Quad Leaders’ Summit.
Ito ang kinumpirma ni US Secretary of State Marco Rubio kasabay ng pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN Summit at iba pang pulong mula November 16 hanggang 18.
Ito ang kauna-unahang summit ni US President Donald Trump sa ilalim ng kaniyang termino.
Ang Quad group ay isang mahalagang strategic partnership para sa maritime security na layong itaguyod ang malaya at bukas na Indo-Pacific at balansehin ang lumalawak na military at economic influence ng China sa lugar.
Giit ni Rubio, lubos na nababahala ang Quad nations sa sitwasyon sa East China Sea at South China Sea, gayundin sa militarisasyon ng mga pinagtatalunang teritoryo.