Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi umiiral ang kulay politika sa ginagawang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga local government unit (LGU) na tinamaan ng matitinding kalamidad.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program ay kanilang pinananatili ang commitment para makipagtulungan sa mga LGU at makabangon ang mga ito mula sa hagupit ng kalamidad.
Nasa ₱8.6 na bilyong piso ang naaprubahan na sabi ng Pangulo para suportahan ang recovery ng nasa 306 na LGUs sa buong bansa na matinding tinamaan ng disaster mula 2024 hanggang 2026.
Kaugnay nito’y inihayag ng Punong Ehekutibo na kung pagbangon ang pag-uusapan ay hindi maaring pag-antayin ang mga naapektuhan nating kababayan at kailangang agad matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.