Inaasahan pa rin ngayong Biyernes ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa tatlong lugar sa bansa.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 43°C ang heat index sa Coron sa Palawan.
Nasa 42°C din ang inaasahang heat index sa Dipolog, Zamboanga del Norte, at Butuan City, Agusan del Norte.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Dito naman sa Metro Manila, nasa 36-37°C ang inaasahang heat index ngayong araw.