Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang gagawing pagsisikap ng pamahalaan upang makadiskubre pa ng maaaring mapagkunan ng langis at enerhiya sa pamamagitan ng exploration.
Sa katunayan ayon sa Pangulo ay nasa 14 na mga bagong Petroleum Service Contracts ang nai-award ng Administrasyon para sa oil, natural gas, at native hydrogen exploration.
Mayroon din sabi ng Pangulo na ipinapatupad na Philippine Gradiometry and Seismic Survey Project na makakatulong sa pagdetermina ng mga exploration opportunities.
At upang makahikayat pa ng exploration activities sa bansa ay naggawad aniya ang Department of Energy ng special allowances para sa service contractors na nasa larangan ng gas development sa malalayong lugar.